Saint Paul School of Business and Law, Inc.
Campetic, Palo, Leyte
Taong Akademiko 2010-2011
BUHAY SA SEMINARYO:
“ISANG PAGSUSURI NG BUHAY SEMINARISTA SA LOOB AT LABAS NG SACRED HEART SEMINARY”
Inihanda nina:
Gaspang, Phoebe Viel Yu
Matobato, Charlot Caones
Nemil, Ingrid Bacale
Pineda, Bevelyn Magsoling
Portula, Ronald Ponferrada
Prima, Elaine A
Velarde. Wayne Joseph Decena
Sa patnubay at gabay ni Gng. Germil Loreto – Mesia
Propesor sa Filipino II
I. INTRODUKSYON
Lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang gusto. Ito’y maaring makabuti at maari ring makasama. Lahat ng ating ginugusto sa buhay ay ating ginagawan ng paraan upang makamit ito at mapagtagumpayan. Ngunit hindi lahat ng ating mga kagustuhan ay nagdudulot ng kaakibat na kabutihan sa ating lahat.
Ang paggawa ng desisyon ang pinakamalaking salik na kakaapekto sa pagtupad sa ating mga kagustuhan. Nagsisimula ang lahat ng ito sa paggawa ng desisyon. Ito ang unang hakbang upang makamit ang kagustuhan o nasa ating isipan. Isa sa mga pinakakaibang kagustuhan na dumadating sa isang tao ay ang kagustuhang mag pari. Sinasabi ng marami na ito ay kusang dumadating sa damdamin ng isang lalaki.
Mahirap panindigan at pangatawanan ang desisyong pumasok sa seminaryo. Maraming mga balakid ang pagdaraanan bago ka maging isang ganap na pari. Marami ang mga problemang kailangang lampasan. Ngunit dahil sa labis na pananampalataya sa Diyos, maaaring malampasan ang kahit na anong problema.
Ang paggawa ng desisyon ang pinakamalaking salik na kakaapekto sa pagtupad sa ating mga kagustuhan. Nagsisimula ang lahat ng ito sa paggawa ng desisyon. Ito ang unang hakbang upang makamit ang kagustuhan o nasa ating isipan. Isa sa mga pinakakaibang kagustuhan na dumadating sa isang tao ay ang kagustuhang mag pari. Sinasabi ng marami na ito ay kusang dumadating sa damdamin ng isang lalaki.
Mahirap panindigan at pangatawanan ang desisyong pumasok sa seminaryo. Maraming mga balakid ang pagdaraanan bago ka maging isang ganap na pari. Marami ang mga problemang kailangang lampasan. Ngunit dahil sa labis na pananampalataya sa Diyos, maaaring malampasan ang kahit na anong problema.
II. KAUGNAY NA BABASAHIN
A. LAYUNIN
Ø Malaman ang pagkakaiba ng buhay sa loob at labas ng seminaryo.
Ø Malaman ang pagkakapareho ng buhay sa loob at labas ng seminaryo.
Ø Malaman kung bakit pumasok ang mga batang ito sa seminaryo.
Ø Malaman kung ano sana ang naging buhay nila kung hindi sila pumasok sa seminaryo.
Ø Malaman ang mga isyu ng pagpasok ng mga seminarista sa loob ng seminaryo.
SURVEY QUESTIONNAIRE
1. Bakit ka pumasok sa seminaryo?
__ a] dahil ito ang gusto ng mga magulang ko.
__ b] dahil sa impluwesya ng mga kaibigan ko.
__c] dahil broken-hearted ako at gusto kung makalimot
__d] simple lang, gusto kung maging pari dahil ito ang “calling” ko, na ialay ang buhay ko sa ganitong uri ng pamumuhay.
__e] kung wala sa nabanggit maaaring pakitukoy na lang: ___________________________________________________________________.
2. Mahirap ba ang buhay sa loob ng seminaryo?
[_] Oo, dahil...
__ walang cellphone
__ walang mapaglibangan
__ malayo sa pamilya
__walang “lovelife”
__maraming bawal
__malungkot
__kung wala sa nabanggit maaaring pakitukoy nalang: _______________________________________________________________.
[_] Hindi, dahil...
__ nagkaroon ako ng bagong pamilya na handang magdamayan sa isa’t isa.
__ naging malapit ako sa Diyos at alam ko na sa araw-araw na pagtira ko dito ay ginagabayan Niya ako.
__dahil ito ang pinili ko.
__dahil hindi lang naman kami puro dasal lang,sabay-sabay kumakain,naglalaro,tulong-tulong sa paggawa na mga gawain-bahay,at higit sa lahat pinagsasaluhan ang saya at pait ng mga kabiguan sa buhay.
__kung wala sa nabanggit maaaring pakitukoy na lang: _______________________________________________________________.
3. Ano ang mga pagbabagong naganap sa sarili mo pagkapasok mo sa seminaryo?
__a] mas nakilala ko ng lubos ang sarili ko
__ b] naging malapit ako sa Diyos
__ c] naging responsible ako at nabago ang tingin ko sa mundo.
__ d] lahat ng nabanggit (a, b, c)
__ e] wala sa nabanggit:(pakitukoy): ________________________________________.
4. Naging masaya ka ba sa loob ng seminaryo?
[_] Oo, dahil...
__ marami akong natututunan sa araw-araw na pagtira ko ditto.
__nagkaroon ako ng mga karanasan na hindi nararanasan ng mga ka-edad ko sa labas ng seminaryo.
__nagkaroon ng disiplina sa sarili.
__lahat ng nabanggit (a, b, at c).
__kung wala sa nabanggit maaaring pakitukoy na lang: _____________________________________________________________.
[_] Hindi dahil...
__walang kalayaan!
__palagi akong nangungulila sa aking pamilya.
__dito sa loob maraming dapat tandaan na TUNGKULIN AT BATAS.
__kung wala sa nabanggit maaaring pakitukoy na lang: __________________________________________________________.
5. Kung saka-sakali mang hindi ka pumasok sa seminaryo, ano ang kukunin mong kurso?
__a] BS Accountancy
__b] BS Nursing
__c] BS Education
__d] BS Engineering
__e] Kung wala sa nabanggit maaaring pakitukoy na lang: ___________________________________________________________________.
6. Dumating ba sa punto ng buhay mo na nagsisi ka na pumasok ka sa seminaryo?
[_] Oo dahil...
__a] dahil hindi naman ito ang gusto ko.
__b] hindi ko na makayanan ang mga pagdidisiplina at mga patakaran na inimplementa dito sa loob.
__c] maraming obligasyon na dapat gawin dito sa loob ng seminaryo.
__ d] kung wala sa nabanggit maaaring pakitukoy na lang: ____________________________________________________________.
[_] Hindi dahil...
__a] dahil ang pagpasok ko dito ay bukal sa aking loob.
__b] dahil ito ang plano ng Diyos sa akin, sabi nga “God’s calling”.
__c] dahil ito ang pangarap ko at gusting-gusto ko talagang maging pari.
__d] kung wala sa nabanggit maaring pakitukoy na lang: ____________________________________________________________.
7. Ano ang pagkakapareho ng buhay sa loob at labas ng seminaryo?
__a] maraming kaibigan.
__b] parehong may mga batas at tungkuling dapat sundin.
__c] Mga karanasan na makatutulong upang malinang ang mga kakayahan
__d] Lahat ng Nabanggit (a, b, at c).
__e] kung wala sa nabanggit maaaring pakitukoy na lang: ____________________________________________________________________.
8. Ano ang masasabi mo tungkol sa tingin sa inyo ng mga tao na kapag seminarista mga “banal” or “holy” . Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag binabanggit ang salitang ‘yon?
__a] naiilang, dahil hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko.
__b] Masaya kasi nakakakuha ako ng respeto sa ibang tao.
__c] Tao rin kami! Kung meron mang pagkakaiba sa mga tao sa labas ng seminaryo parte lang ‘yon ng pagiging unique natin sa isa’t-isa.
__d] kung wala sa nabanggtit maaaring pakitukoy na lang: ____________________________________________________________________.
9. Ano ba ang pinakamahirap na naranasan mo sa loob ng seminaryo?
__a] paggising ng maaga.
__b] mahigpit na pagdidisiplina.
__c] pangungulila sa magulang at mga kaibigan na nasa labas.
__d]lahat ng nabanggit (a, b, at c).
__e] kung wala sa nabanggit maaaring pakitukoy na lang: ___________________________________________________________________.
10. Sa puntong ito ng buhay mo, masasabi mo bang kumpleto ang buhay mo?
[_] Oo,dahil...
__kuntento na ako sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya ko.
__masaya ako sa piling ng Diyos at ng mga nagmamahal sa akin.
__alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ako ng Diyos at kailanman ay hindi Niya ako papabayaan.
__lahat yata ng dapat pagdaanan ay napagdaanan ko na at nalampasan ko naman ito ng matiwasay kaya sa tingin ko kumpleto na ngayon ang buhay ko.
__Kung wala sa nabanggit maaaring pakitukoy na lang:___________________________________________________________.
[_]Hindi, dahil...
__Hindi ko pa nararanasan ang mga dapat maranasan ng mga kabataang ka-edad ko.
__Hindi naman talaga ito ang gusto ko, pinilit lang ako ng mga taong nakapaligid sa akin.
__Hindi ko pa nararanasang ma-inlove sa opposite sex.
__Kung wala sa nabanggit maaaring pakitukoy na lang: _______________________________________________________________.
PANUTO: Ilagay ang mga sagot sa isang malinis na papel.
11. Dumating ba sa punto ng buhay mo na nagduda ka sa paniniwala mo sa Diyos?
12. Paano mo kinaya na manatili dito sa loob samantalang alam mo naman na mahigpit ang pamamalakad dito?
13. Paano iniiwasan o hinaharap ang mga temtasyon na nakapaligid lang sa iyo,sa papaanong paraan mo ito linalabanan?
14. Naramdaman mo na ba minsan na parang hindi mo na kaya? Na parang sawang sawa ka na sa takbo ng buhay mo? Gusto mo na bang sumuko?
15. Ipagpapatuloy mo ba itong pinili mong bokasyon?
16. Bakit mo nasabi sa sarili mong ito na talaga ang inilaan sa akin ng Panginoon?
17. Paano mo nalamang ika’y tinawag nga ng Panginoon?
18. Sa puntong ito ng buhay mo, sa tingin mo saan ka pupunta?
19. Bakit ka magpapari?
20. Handa ka na bang gampanan ang mga tungkulin bilang isang pari?
The seminary... a home away from home…a home for my fellow sinners who aspires to become saints…
Our seminary world is an environment for us not to become aliens but to be fully human, capable of understanding human situations, fears, joys and idiosyncrasies.
THANK YOU and GOD BLESS!
B. MGA ISYU NG ISANG SEMINARISTA
Malayo sa pamilya , paggising ng maaga (tinatawag nilang Heroic Minute), mahigpit na pagdidisiplina, pangungulila sa magulang at mga kaibigan na nasa labas ay ilan lamang sa mga isyung kinakaharap ng mga seminarista sa loob ng seminary. Ilan sa kanila ay dumating din sa panahon na pakiramdam nila ay wala na sa piling nila ang Diyos at may puntong nagduda sa paniniwala sa Diyos dahil sa napagdaaanan nilang problema sa bahay. Dahil sa pamamalakad sa loob ng seminary, minsan na rin nilang naisip na lumabas nalang, pero dahil sa gabay ng Diyos na palaging nandiyan para makayanan ang lahat ng pagsubok sa buhay ay nagawa nilang manatili sa loob. Sa Diyos sila kumukuha ng lakas para harapin ang anumang pagsubok.
Ang pagpasok nila sa loob ng seminary ay hindi nila maiiwasan sapagkat ito ang calling nila at gusto nilang maging pari upang pagsilbihan ang mga tao lalo na ang Diyos. Sa pagpasok nila sa loob, mas nakilala nila ang kanilang mga sarili, naging responsable sa lahat ng mga bagay at nagging malapit at minahal ang Diyos ng lubos at mas nagging matatag sa mga problema na dumating sa buhay. Nagging Masaya sila sa loob ng seminary dahil marami silang natututuhan, nagkaroon ng mga karanasan na hindi mararanasan sa labas at nagkaroon ng disiplina sa sarili. Sa loob mararanasan mo ang walang cellphone at walang lovelife pero sa kabila noon, magkakaroon ka ng bagong pamilya na handing damayan ka pagsasaluhan ang sayang darating at pait ng mga kabiguan sa buhay.
C. MGA TERMINOLOHIYA NG PAG-AARAL
a. Seminaryo – isang institusyon na may mataas na antas ng edukasyon na nagtuturo sa mga mag-aaral (seminarista) sa teolohiya upang ihanda para sa ordinasyon bilang isang pari o para sa iba pang mga paglilingkod ayon sa kautusan ng Diyos. Ito ay salin mula sa salitang Latin na “seminarium”.
b. Seminarista – isang nag-aaral sa seminaryo na dumadaan sa pormasyon upang ihanda ang sarili sa pagpapari.
c. Bokasyon – salitang Latin na “vocare” (upang tumawag), isang kataga para sa isang trabaho na kung saan ang isang tao ay nailalabas ang kanilang espesyal na kakayahan.
d. Temtasyon – tinatawag ding tukso. Isang gawa na mukhang sumasamo sa isang indibidwal.
III. MGA PAGLALAHAD NG SARILING PAG-AARAL
A. METODOLOHIYA (PAMAMARAAN)
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pangangalap ng datos sa paraan ng survey noong ika-22 ng Enero sa kasalukuyang taon. Gumawa ang mga mananaliksik ng mga katanungan na sumasagot o sumasaklaw sa mga isyu na may kinalaman sa pagkakapareho at pagkakaiba ng buhay nga mga seminarista sa loob at labas ng seminaryo tulad ng mga isyu ng temtasyon, pagiging malayo sa pamilya, at pagdududa sa kanilang paniniwala tungkol sa Diyos. Nakapaloob din dito ang mga pagbabagong naganap sa sarili kapag nag-aaral o pumasok ka sa seminaryo.
Sa mga katanungang may kinalaman sa temtasyon tulad ng “Paano iniiwasan o hinaharap ang mga temtasyon na nakapaligid sa iyo at sa papaanong paraan mo ito nilalabanan?”, tinalakay ang mga mabibisang paraaan upang maiwasan at hindi magpadala sa kahit na anong temtasyon habang nag-aaral sa seminaryo. Natalakay din kung paano iniiwasan o hinaharap ng may pag-asa ang mga temtasyong naganap na sa panahong ito.
Isa rin sa mga ndapiling isyu ay ang pagiging malayo sa pamilya at kamag-anak. Nakapaloob dito ang katanugang “Ano ang pinakamahirap na naranasan niyo sa loob ng seminaryo?”. Ang malayo sa mga minamahal sa buhay ang isa sa mga madalas piliin na sagot patungkol sa tanong na nabanggit kung kaya’y binigyang pansin ito ng mga mananaliksik at hindi isinantabi.
Sa kabilang dako naman, ang katanungan tungkol sa pagdududa sa kanilang paniniwala sa Diyos gaya ng “Dumating sa punto nga buhay mo na nagduda ka sa paniniwala mo sa Diyos?”, napag-usapan ang tatag at tibay ng paniniwala at pananalig ng mga respondente sa Maykapal na kahit sa kabila ng mga pagsubok sa buhay ay kaya nila itong lampasan dahil ginagabayan at pinagpapala sila ng Diyos.
Sa pagpapatuloy, nakapaloob naman sa mga pagbabagong naganap sa sarili ang mga bagay o salik na nakakaapekto sa buhay ng mga respondente at ang mga unti-unting pagbabago sa mga personalidad at mga katangian nila. Nabibilang sa isyung ito ang katanungang “Ano ang mga pagbabagong naganap sa sarili mo pagkapasok mo sa seminaryo?”.
Ang mga katanungan ay nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga ideya ng mga mananaliksik at sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa mga blogs ng mga pari o mga naunang seminaristang lumabas sa seminaryo. Ang mga impormasyon ay ginawang mga tanong upang matukoy ang mga saloobin at nararamdaman ng isang seminarista sa loob ng seminaryo.
B. RESPONDENTE/SABJEK
Ang mga napiling respondente o sabjek ay mga seminarista sa kolehiyo na kasalukuyang nag-aaral at dumadaan sa tinatawag nilang “formation” sa taong akademiko 2010-2011. Minabuti ng mga mananaliksik na hindi lagyan ng pangalan ang mga survey questionnaire upang maipabatid o mailabas ng mga respondente ang kani-kanilang saloobin at upang mapanatili ang pagiging “confidential” ng mga impormasyong maaaring makalap sa survey.
Dumaan sa isang masusing argumento ang pagpili ng mga respondente ng pag-aaral na ito. Kinunsulta rin ng mga ito ang kanilang “formators” upang hingan ng mga palagay at hinuha na may kinalaman sa respondente o sabjek. Ang mga napiling respondente ay binigyan ng mga survey questionnaire sa libre nilang oras. Ito ay naging matagumpay sa tulong ng kanilang “college adviser” na si Rev. Fr. Ivo Velasquez.
C. INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Makikita sa unang grap ang mga kursong nais kunin ng mga respondente kapag hindi sila pumasok sa seminaryo. Batay sa sagot ng mga respondente, ang mga kursong Engineering, Accountancy, Political Science, Criminology, at Education.
Base sa aming pananaliksik, marami ang pagkakapareho ng buhay sa loob at sa labas ng seminaryo gaya nalang ng pagkakatagpo ng maraming kaibigan, parehong may mga batas at tungkuling dapat sundin, at mga karanasan na makakatutulong upang malinang ang mga kakayahan. Sa kabilang dako, mayroon ding pagkakaiba tulad nalang ng mas organisado at mas makakapagtuon ng pansin ka sa mga bagay na para sa Diyos sa loob ng seminaryo at hindi sila natututong mag-bisyo.
Maraming nabago sa mga respondente pagkapasok nila sa seminaryo. Ayon sa kanila, mas nakilala nila lubos ang kanilang sarili at nagkaroon sila ng malalim at “intimate relationship” sa Diyos. Mas naging responsable sila at nabago ang kanilang tingin sa mundo. Naging matatag din sila sa pagharap ng mga problema sa buhay.
Ayon sa 57% ng mga respondente, naging mahirap para sa kanila ang pagtira at pag-aral sa loob ng seminaryo dahil maraming “sufferings and difficulties” na kanilang pinagdaan sa loob. At kapag ang isang seminarista ay nagtiwala lang sa kanyang sariling kakayahan at hindi sa Diyos, talagang mahihrapan silang mabuhay sa loob ng seminaryo. Ang iba naman ay nagsabing “only in heaven that everything will be perfect”. Sa kabilang dako, ayon sa 43% ng mga respondente ay nagsabing hindi sila nahirapan dahil ito ang pinili nilang buhay at handa silang harapin anumang pagsubok ang kaakibat ng desisyon nilang ito.
IV. KONKLUSYON
Batay sa aming pananaliksik ng mga datos tungkol sa buhay sa loob ng seminaryo, mahihinuha na ang buhay ng mga seminarista ay sadyang iba na sa buhay ng mga taong nasa labas ng seminaryo. Bagama’t parehong may mga batas at tuntuning dapat bantayan at sundin, naiiba sa loob ng seminaryo sa uri ng pamamalakad at pagpapatupad ng mga batas at tuntunin. Gayunpaman, hindi pinagsisisihan ng mga seminarista ang kanilang naging desisyon sapagkat masaya sila sa loob at sa pagbabagong naganap sa kanilang sarili mula nang sila ay nagdesisyong magpari. Naging mas malapit sila sa Diyos at lubos pa nilang nakilala ang kanilang sarili, nagkaroon sila ng mga bagong kaibigan at mga karanasang iba sa labas ng seminaryo. Mas naging responsable sila at nagbago rn ang tingin nila sa mundo at naging malawak pa ang kanilang kaalaman tungkol sa buhay ng tao.
Naniniwala ang mga seminarista na kaya sila naroon ay dahil sa tinawag sila ng Diyos upang paglingkuran at gabayan ang kapwa tungo sa tamang landas. Ipagpapatuloy nila ang kanilang bokasyon dahil naniniwala sila na iyon ang plano ng Diyos para sa kanila. Kakayanin nilang lampasan ang bawat pagsubok sa pamamagitan ng mga panalangin at tiwala sa Diyos. Ayon sa kanila, wala namang buhay na hindi mahirap, nagiging mahirap lamang ito kapag sinusunod mo lang ang iyong pansariling kagustuhan at hindi kung ano ang nais ipabatid ng ating Diyos para sa atin.
Ang seminaryo ay hindi lamang isang lugar na puno ng mga patakaran at tuntunin na dapat sundin upang mapalago ang pansariling kapakanan, bagkus ito ay ipinatupad upang pagtibayin ang pagkakaibigan, pagkakapatiran, at pagkakaisa sa layuning mailigtas ang kapwa ayon sa mga banal na kautusan ng Diyos.
V. REKOMENDASYON
Ang pagiging seminarista ay hindi madali, base sa pagsasaliksik na ginawa ng aming pangkat, kailangan na mayroon ang isang tao ng “commitment” sa Diyos. Dapat buo ang loob niya na pagsiIlbihan ng tapat ang Diyos at ang sangkatauhan patay man o buhay. Sa mga seminarista na may mga malalaking problema na lubhang nakakabagabag sa paghubog sa kanila sa loob bilang paghahanda sa pinili nilang bokasyon, kailangan na talaga nilang dumaan sa “councelling” para masulosyonan na ang kanilang mga dinadaing.
Ang buhay sa loob ng seminaryo ay ‘ika nga nila, “bitter-sweet” normal na lang daw ang mga pagsubok at mga problemang dumarating sa kanilang buhay. Ang pagpasok sa bokasyong ito ay hindi biro, kinkailangan ng matinding paniniwala sa Diyos para hindi madaling matukso.Dapat umiwas sa mga temptasyon na maaaring maging masamang impluwensya sa pormasyon.
VI. BIBLIYOGRAPIYA
· http://en.wikipedia.org/wiki/Seminarian (Google translate)
· http://en.wikipedia.org/wiki/vocation (Google translate)
· http://en.wikipedia.org/wiki/temtasyon (Google translate)